What We Miss From the Phils.

Posted By USAPinoy on May 19, 2006

  1. Emyrose, a friend of mine from the Philippines, says she misses the “talipapa” in the Phils.
  2. Me, I miss the madaming tao sa Mall, sa Shoemart, sa Rob(Robinson’s)
  3. Miss ko ding kainin ang mga sinasabi nila mababantot na mga pagkain e.g. itlog maalat, daing, tinapa, pritong isda (malansa daw kasi. natural, isda eh !!) patis etc..
  4. Miss ko ang madaming taong nakikita natin sa kalye, mga papasok sa opis, mga estudyanteng magugulo, mga tambay sa kanto, mga adik,  joke …
  5. Miss kong sumakay ng taxi, ng jeep, ng bus, ng tricycle, ng pedicab…
  6. Miss kong magtinda sa tindahan namin ng prutas na ang babarat ng mga customer na matutuyuan ka ng dugo kung papatulan mo silang lahat..
  7. Miss ko ang pamilya ko na kahit nga nagtatampuhan paminsan minsan eh masaya pa din kasi kasama mo silang lahat…
  8. Miss ko ang sandamakmak na mga maliliit na tindahan sa palibot libot na lalakarin mo na lang at di ka na kailangang magdrive para lang bumili ng mga nakalimutan mong bilhin…
  9. Miss ko ang simbahan na laging bukas ano mang oras ( hanggang 24-hours na bukas ung prayer room sa may sa amin sa Singalong ) …
  10. Miss ko ang mga kaibigan, mga kapamilya, kapuso na madali lang tawagan sa phone kasi pare pareho kayong nasa pinas at parepareho ang time zone nyo..
  11. Miss ko ang divisoria kasi andun na lahat ang mura lalo na kung magaling kang makihaggle, mas lalong mura hehehe…ingat nga lang sa pickpockets…
  12. Miss ko ang mga dakilang Maids natin sa pinas, kasi dito kami ang maid ng asawa namin….
  13. Miss kong kumain ng kumain without worrying na pupunta un lahat sa bilbil ko kasi alam kong pagpapawisan ako sa init dyan…
  14. Miss kong nadidinig ung lahat ng kwentuhan ng mga tao na nasa likod-bahay namin… hindi tulad ditong masyadong tahimik ang mga kapitbahay…

Copyscape

Comments

Leave a Reply

Please note: Comment moderation is currently enabled so there will be a delay between when you post your comment and when it shows up. Patience is a virtue; there is no need to re-submit your comment.