Tagal Naman ng Eleksyon…
Ang tagal naman ng November 4, kung pwede lang hilahin ang araw para matapos at magkaalaman na. Sino nga ba mananalo, si Obama o si McCain? Ewan ko, napapailing na lang ang ibang kano na kausap ko. Bakit daw ba ang pangit ng mga kandidato, wala daw silang itulak kabigin. Kaso wala daw magagawa, walang magagawa kundi pumili sa dalawa.
Sabi ng isang kano, McCain sya, kasi of the two, lesser evil daw si McCain. Pareho daw kasing mukhang phony, peke. Kaso ang tanda na ni McCain, sana lang if manalo sya wag naman syang atakihin sa puso sa dami ng problemang mamanahin nya kay Bush. Pag si Obama naman, sana lang, maging competent nga sya dahil sabi nila, wala pang gaanong experience ang taong to. Tapos sabi pa nila, di pa daw ready ang Amerika sa may kulay na presidente. Okay lang kahit anong kulay basta effective and efficient di ba?
Oh well, let’s just wait and hold our breath for America’s next president, be it Obama or McCain.
Sa lahat ng mga pwedeng bumoto sa November 4, “get out and vote!” and vote wisely.
Oo nga daw. Isa rin yan sa mga narinig ko about the candidates. Sabi rin nila tataas daw lalo ang tax at marami ring mga unemployment sa Engineering field kung si Obama ang magiging presidente.
Bakit isa ang Engineering? Dahil daw mababawasan ang financial support sa mga engineers, scientists, researchers (dito yata nangunguna at unique ang USA kaysa ibang bansa) at mapupunta daw karamihan ang financial support sa mga Health services o yong mga walang income.
Iwan, di pa naman ako makakaboto pero di ko rin maiwasan na makarinig at mag-isip about this coming election.