Living in America
Posted By USAPinoy on May 11, 2006
A dear friend asked me why I don’t like it here in the US. Well, actually it’s not really that I don’t like staying here, let’s just say that maybe I am not yet used with the way things are here that is why I am sort of making comparisons of my beloved Philippines to the land of Uncle Sam. She asked me to give her a list of my reasons why so here it is my friends, I hope it will give you guys an idea how it is to live here:
- If you have no credit history, meaning wala kang mga credit cards eh malamang wala kang value sa mga creditors. To buy a car, lease a house, buy a house, you have got to have a very good credit standing. Eh sa tulad kong di naniniwala sa credit cards, at gusto ko cash lagi, eh di wala, mapipilitan me makitulad sa lahat ng mga Amerikanong mhilig gumamt ng plastic and holler, “charge it! “.. Syempre if I can avoid it, I really do not want to use credit cards kasi may interest un,divah? Anyway, that is something I have to contend with since no can do, I have to have that plastic thingie to establish my credit history.
- Kung di ka marunong at maalam magdrive, wag ka nang magtry gumamit ng Freeway at baka damputin kang wla ng buhay. The speed when you are in the Freeway is like 65 to 75 mph so kung aanga-anga ka, wag ka nang mag ambisyon na itry ang Freeway. You need to have good eyesight and dapat alerto ka kasi mayayabang ang ibang drivers at bigla na lang papasok sa lane mo or sa harap mo na kung di ka alert malamang, mabangga ka, mabangga mo sya at matotal ang kotse mo. Kya me when I try driving, dito na lang muna me sa mga backroads para safe. Pero I will not chicken-out and will face that raging Freeway when I know na tigasin na din me noh? Kung kaya nila, kaya ko din divah?
- Ang konti ng tao dito ewan ko ba. Siguro kasi busy sa pagkayod kasi mdaming utang at mortgages to pay hehehe.. joke lang pero partly true ha? Kya when you go out strolling in the park, wa pipol kaya nga takot ako eh, baka may dumampot sa min jan eh wla man lang makakita, or makarinig kasi wala namang mga tao ang mga bahay na ang lalaki pa na kahit may sumigaw sa labas eh di ka dinig. Sa malls naman, konti din tao kaya kalungkot lang magstroll lalo pag mag-isa ka kaya dapat may kaHH ka (kaholding hands) habang binabaybay nyo ang deserted aisles . Sabi nga ni Renee nung bago din sya dito eh, kala nya magsasara na ang mga shops kasi konti tao, yun pala eh talagang ganon dito, not unless syempre nsa heart of New York ka or San Francisco na laging madaming tao.
- Malalayo ang mga tindahan, swerte mo na lang if katabi lang ng bahay mo ung mga grocery stores, or Supermarket.
- Walang mga taxi, buses na bawat minuto eh anjan sa bus stop. May oras lang ang mga bus dito sa pag nahuli ka, abutin ka ng isang oras or mahigit para maghintay sa sunod na bus. One time sabi ko try ko na lang dial-a-ride kasi para pick-up in na lang me sa bahay kasi malayo bus stop , un pala pang disabled lang or pang senior citizen, bakit sila lang ba ang may pera at may kailangan na pasundo? pano naman ang mga di marunong magdrive, may bata at di pwdeng maglakad ng malayo papuntang bus stop? Hmp, injustice yan ha, I mean unfair yan, totally !!
- Hindi ganon kabilib bilib ang BART nila dito, ung BAY AREA RAPID TRANSIT,meaning the train, my dear, the train. Kita nyo ung recent na mga happenings sa BART, kung ilang ulit na tumigil kaya stranded mga pasahero. Kasi daw nagkaproblema sa computer, kasi luma na ung software. What? ang number one na leader sa buong mundo, may lumang software? My gulay, anong ginagawa ni Bill Gates bakit di nila itanong dun kung pwdeng igawa sila nga pinakahitech na softwares divah? Talo pa sila ng LRT at MRT noh? at kung security ang paguusapan eh mas secure pa ang feeling ko sa Pinas kasi may checking ang lahat ng mga bags ng pasahero, that was after the bombing ng LRT i know. Eh dito wla, as in wlang checking, kahit nga random checking wla, eh ang dami pa namang terrorista na naghihintay lang ng chance na mapasama sa history ng bansang ito di ba ? Pero sympre di naman me pinipilit nino man na sumakay ng BART so di ko sinasabing wag sumakay, napansin ko lang naman at nacompare kaya wag ka nang magreact..
- Ang mga bata dito di pwde salingin. Makita lang na may pasa or kung ano, pagdududahan kagad na pinapalo, piniphysical abuse although madami naman talaga ang mga batang abused dito. Ayaw daw nilang pinapalo ang mga bata kaya tingnan nyo mga kinalabasan, mga addict, brats, mga kung ano ano ang problema sa utak.. ewan ko ba pero tong anak ko pag lumaking wala sa ayos uwi na lang kami sa Pinas at dun madidisplina ko sya tulad ng disiplinang ginawa sa kin ng aking mahal na ina..



Comments
Leave a Reply
Please note: Comment moderation is currently enabled so there will be a delay between when you post your comment and when it shows up. Patience is a virtue; there is no need to re-submit your comment.