Posted By USAPinoy on April 30, 2010
Opo, naiinis talaga ako pag nagshashopping ako dito ng damit (tatagalugin ko para di maintindihan ng iba).
I go to department stores like Macy, Sears, Mervyn’s ( na nagsara na ngayon) , Kohl’s, Old Navy pero wala , lagi na lang akong umuuwing luhaan, or if meron man na bitbit, pangpuno lang sa dati nang punong closet. My husband always teases me when I try to shop because he knows that either I will end up with nothing or end up buying something that I will not be wearing at all.
Ewan ko lang pero di ko talaga type ang mga damit dito, masyadong mababa ang mga necklines, masyadong mga low-waist ang mga pantalon na konting tuwad mo lang , kita na ang you-know-what mo. Tapos ang mga blouses maiikli, hindi tulad ng mga blouses sa Pinas na medyo mahaba haba , para if meron ka, di masyadong halata kasi mahaba ang blouse.
Yung material nila dito, if cotton, yon bang parang madaling magfade, sabagay yung iba kasi galing sa Vietnam or China, or Mexico. Ewan ko if natataon lang na ganong cotton nakikita ko, and if hindi naman cotton yung material, un bang mga mga stretchable? Tapos pa, ang mga sizes, pag sa medium ako , masikip, pag large naman, maluwag??? Kaloka di ba ??
Hay , kakamiss talaga magshopping sa Pilipinas kong mahal, like SM . Sa SM Mall pa lang, dami mo na pagpipilian, di mo na kailagan magdrive around punta sa iba’t ibang stores kasi sa SM palang, dami nang brands and marami ding pagpipilian na stores sa loob ng mall tulad ng Rustan’s, Cinderella, Bench, at kung ano ano pa. Limot ko na ibang stores kasi sa SM pa lang , nakikita ko na kagad ang hinahanap ko.
Category: Uncategorized |
3 Comments »
Tags: