Reduced Working Hours

Posted By USAPinoy on February 11, 2009

Oh well, kanina sa work eh balita na mababawasan na daw ung working hours namin, 32 hours na lang instead of 40 hours per week, so instead of five days, four days na lang, every Friday no work. Sure na daw talaga na iimplement yon since slowdown ang company namin. Lahat nakaalam na ng bagong balita and we’re just waiting for the formal announcement sa meeting when it will finally start.

Hay naku, eto na yon, eto na talaga yon. Alam naman naming lahat na pwdeng mangyari sa amin ang ganito. Kung yung iba ngang mga bigtime companies eh nagsarahan, eh kami pa kaya na family owned and small business lang?  Pero good thing naman na eto, we’re still hanging there , and eto bawas lang muna ng working hours. Well, hopefully eh hanggang bawas lang ng oras , at wag na lumala pa, na umabot sa alam nyo na, ayaw kong sabihin ang word, mahirap na baka magdilang anghel ako. :(

Hay buhay ng Pinoy sa Amerika ano? Pero okay lang yon, kaya natin to. Kailangang kayanin di ba? Di bale, andyan naman si Lord, I’m sure bibigyan Nya tayo ng lakas ng loob para maging matatag at wag magsuicide tulad ng iba dyan na kesyo nalulugi na at nawawala na mga bahay nila eh nagsipagsuicide na. Kaya natin to! Iba ang Pinoy noh?

Comments

Leave a Reply

Please note: Comment moderation is currently enabled so there will be a delay between when you post your comment and when it shows up. Patience is a virtue; there is no need to re-submit your comment.