Kakaawa Naman

Posted By Admin on April 24, 2009

Nakakaawa naman ang ibang Pinoy dito sa Amerika.

One time, habang naka- “park” ang sasakyan namin sa harap ng isang bangko, nakakita ako ng naglalakad na Pilipino, matanda na siya, marahil 70 years old at may dala dalang itim na trash bag. Medyo alam ko na kagad kung saan sya papunta. Dun sa malapit na trash can, dun sya pumunta para magkalkal. Medyo pino naman yung kilos nya, na parang nandidiri din sya magkalkal dun at may gamit din syang stick para gamitin sa pagkuha ng mga kung anong mapagkakakitaan nya don sa basurahan.

Ang mga soda cans, plastic bottles dito ay nabebenta sa mga recycling centers kaya ang mga homeless at ibang mga Mexicano ay yon din ang pinagkakitaan tulad ng matandang nakita ko. Alam kong may pera sa basura ika nga, pero kung matanda na ang makikita mong gumagawa nito, di ba nakakaawa?

Pero wala tayong magagawa, siguro dala ng pangangailangan kaya kinailangan nyang gawin yon. Tanong ko lang sa sarili ko habang palayo kami , ” Alam kaya ng mga kamag-anak nya na ganon ang ginagawa nya para lang maipadala sa kanila ang perang pinagpaguran? Alam kaya nila na kahit papano, nakakakapanliit na trabaho yon pero ginagawa ng iba para lang sa konting kikitain? ”

Sa mga kababayan kong nasa Pilipinas, sana kung may mga kamag-anak kayo dito na hindi naman kagandahan ang mga trabaho, sana lang, wag naman nyo sila abusuhin na mang hingi kayo ng manghingi ng pera kasi minsan napipilitan silang gawin ang mga ganyang trabaho para lang maipadala sa inyo.

:(

Comments

One Response to “Kakaawa Naman”

  1. its not only in your place that people does that, kasi there’s always money in it.Here in France, naka coat and tie pa, nakikislip din sa basura.

    My husband, he is french, but he still looks around the bins in France, if he spotted a good stuff.

    The issue of kamaganak sa pĂ®nas na kanyang “baka” sinusustentuhan,
    it is his life, he must have find it happy to be useful to his family despite old age.

    Minsan, the oldies got to occupy themselves, you see…

    Good post, all the best.

Leave a Reply

Please note: Comment moderation is currently enabled so there will be a delay between when you post your comment and when it shows up. Patience is a virtue; there is no need to re-submit your comment.