Oo para sa Prop 8

Posted By USAPinoy on October 22, 2008

Kaibigan, kung ikaw ay isang Pinoy sa California at pwde nang bumoto dahil isa ka nang US Citizen, maaari bang bumoto ka para sa Prop 8? Ang Prop 8 ang magbabawal sa mga magkaparehong kasarian na magpakasal. Tulungan nating mapanatili ang pagiging tradisyunal ng kasal, ito ay para sa isang lalaki at babae lamang, hindi para sa dalawang lalaki o di kaya’y para  sa dalawang babae.

Tumulong na ikampanya ang Prop 8, protektahan ang tradisyunal na kasal. Tulungan nating wag mapariwara ang bansang ito na lahat na lang yata gusto gawing legal para sa pera at para lang iayon ang batas sa mga pananadaliang kasiyahan ng ibang tao.

Tulungan nyo din kaming magdasal para makapasa ang Prop 8, para tuluyan ng mawala ang same-sex marriage sa California.

Comments

One Response to “Oo para sa Prop 8”

  1. Antonio says:

    BUMOTO NO SA PROP 8.

    Aalisin ng Prop 8 ang kalayaan ng mga kamag-anak at kaibigan natin lahat. And pagmamahal nang dalawang tao– kahit na dalawang lalaki o dalawang babae– ay kapareho at kasing-importante ng isang babae at lalaki.

    ——-
    Yes is my vote, while yours is No. That is fine. Everybody is entitled to his own opinion. :)

Leave a Reply

Please note: Comment moderation is currently enabled so there will be a delay between when you post your comment and when it shows up. Patience is a virtue; there is no need to re-submit your comment.