Election’s Over…
Oh well, salamat sa wakas at natapos din ang eleksyon, and alam na ng lahat kung sino ang nanalo pero kung ikaw ay medyo nawawala sa circulation or baka namundok ka at ngayon ka lang nagbasa, pwes my dear, ang nanalo ay si Obama. Why sya nanalo? Naku, di na dapat magtaka, as in ang daming supporters nya kaya talaga. Sus ko po, mantakin mo naman ang dami ng mga African-Americans sa Estados Unidos? Yung dami nilang yon di pa sya manalo? Syempre sure win na talaga, kumbaga, ” in the bag” na yan. Plus bumoto din sa kanya ang mga kapuputian, kahit pa sabihin na ang kalaban ni Obama ay ang kapwa nila puting si McCain. Nainis na mga puti, time to change, panahon na para yung may kulay naman ang magdala ng bansang Amerika.
Nakakatuwa nga na in full force talaga ang mga kalahi ni Obama, kumbaga sa Pinoy eh ala “sugod mga Kapatid! “ pero in fairness, kahit ako boboto kay Obama kasi nakakatakot kaya si McCain kasi medyo matanda na talaga eh , aminin man nila o hindi. Baka mamaya nyan , madeads na lang bigla si Mr. McCain sa dami ng problemang iiwanan sa kanya ni Bush.
Eto pa pala,dahil nga nagsisugod ang mga African-Americans sa pagboto kay Papa Obama, ayun nakapagboto din tuloy sila sa Prop 8, and that is to eliminate gay marriage sa California. Well, nanalo Prop 8 pero di pa rin susuko ang mga gays, ipaglalaban nila uli ito till death.
Anyway, congratulations kay Obama, at sa lahat ng bumoto sa kanya. Let’s wait and see the change that he will be implementing which I hope will be soon. Kudos din sa mga Prop 8 supporters because the people have spoken, sana manahimik na lang muna ang mga maka-”NO”. Masyado nang magulo ang mundo, wag na nating paguluhin pa.