Archive for November, 2006

Nov 06 2006

Malungkot Kahit Christmas

Published by admin under Personal

Magki Christmas na naman pala, grabe, kakalungkot huh? Ewan ko ba, kinukurot pa din puso ko pag may mga celebrations dito like Christmas at New Year. I’ve been here for a year and a half but I still do miss Pinas, my family, my relatives and friends. Basta everything about the Philippines miss ko. I even miss the traffic jam, the jeeps. Pati ulan. Opo, ang tunog ng ulan sa bubong namin.. Mantakin nyo yun, pati ulan namiss ko ??

Ewan ko ba, it still feels empty to be here kahit sabihin pang America to. I do admit, mas maganda nga dito mamuhay, mas maayos, wala kang masyadong problema. Di mo problema ang mundo dito, ibig kong sabihin eh, di mo masyadong poproblemahin ang problema ng iba, yung ekonomiya, yung kung ano-anong sob stories ng mga kamag-anak mo. Dito cool lang lagi. Kahit nga sabihin na dito paycheck to paycheck lang ang kinabubuhay ng ibang tao, eh maalwan pa din mamuhay dito. Makaka afford ka pa din ng kotse mo, ng maayos na tirahan na carpeted na, with hot and cold water pa.

Pero ewan ko ba ha, bakit malungkot pa din minsan ang Pinoy dito kahit ganon? Pag tinatanong ko nga ang lahat ng kakilala kong Pinoy, mas masarap pa din daw mamuhay sa Pilipinas. Kahit nga ba isang plastic ng tinapa lang ang dinner ng mga Pilipino minsan eh masaya pa din. Kahit Ligo sardines lagi ang ulam, or itlog na maalat , wala masaya pa din di ba ? Sguro kasi present ang pamilya natin dyan, ang mga kamag-anak, kapitbahay. Eh dito wla, sinong kapamilya ko dito? Ang lalayo, 8 oras bago mo mapuntahan or minsan mag eroplano ka pa para lang makita sila ng ilang oras. Ang lungkot pag may celebrations, parang di mo na lang icelebrate kasi parang katawa-tawa na tatatlo lang kayo or lilima tapos panay pa kayo matatanda na.

Darating na naman ang Thanksgiving. Invited daw kami ng sister-in-law ko. Magdidinner na naman kami ng turkey na di ko naman gusto tapos aapat lang kami na maghaharap-harap? Hay pede ba imbitahin ang mga kaaanak ko sa Pinas para masaya naman? Kung pwede nga lang…

Kaya malungkot dito. Kakalungkot…

Copyscape

No responses yet