Archive for May, 2006

What We Miss From the Phils.

  1. Emyrose, a friend of mine from the Philippines, says she misses the “talipapa” in the Phils.
  2. Me, I miss the madaming tao sa Mall, sa Shoemart, sa Rob(Robinson’s)
  3. Miss ko ding kainin ang mga sinasabi nila mababantot na mga pagkain e.g. itlog maalat, daing, tinapa, pritong isda (malansa daw kasi. natural, isda eh !!) patis etc..
  4. Miss ko ang madaming taong nakikita natin sa kalye, mga papasok sa opis, mga estudyanteng magugulo, mga tambay sa kanto, mga adik,  joke …
  5. Miss kong sumakay ng taxi, ng jeep, ng bus, ng tricycle, ng pedicab…
  6. Miss kong magtinda sa tindahan namin ng prutas na ang babarat ng mga customer na matutuyuan ka ng dugo kung papatulan mo silang lahat..
  7. Miss ko ang pamilya ko na kahit nga nagtatampuhan paminsan minsan eh masaya pa din kasi kasama mo silang lahat…
  8. Miss ko ang sandamakmak na mga maliliit na tindahan sa palibot libot na lalakarin mo na lang at di ka na kailangang magdrive para lang bumili ng mga nakalimutan mong bilhin…
  9. Miss ko ang simbahan na laging bukas ano mang oras ( hanggang 24-hours na bukas ung prayer room sa may sa amin sa Singalong ) …
  10. Miss ko ang mga kaibigan, mga kapamilya, kapuso na madali lang tawagan sa phone kasi pare pareho kayong nasa pinas at parepareho ang time zone nyo..
  11. Miss ko ang divisoria kasi andun na lahat ang mura lalo na kung magaling kang makihaggle, mas lalong mura hehehe…ingat nga lang sa pickpockets…
  12. Miss ko ang mga dakilang Maids natin sa pinas, kasi dito kami ang maid ng asawa namin….
  13. Miss kong kumain ng kumain without worrying na pupunta un lahat sa bilbil ko kasi alam kong pagpapawisan ako sa init dyan…
  14. Miss kong nadidinig ung lahat ng kwentuhan ng mga tao na nasa likod-bahay namin… hindi tulad ditong masyadong tahimik ang mga kapitbahay…

Copyscape

Work at Home Ads

Have you ever tried those work-at-home ads promising you earnings that is more than what you ever think you can make in a month, like 10k a month ?!! imagine just staying home and making that much money by just reading emails, or processing fan mails ? heheeh. i did and boy did i really scoured the web for all these ads because i was really in search for a legitimate data entry jobs or something in line with that . and so i emailed them asking if i qualify for the position they have posted etc. and they did reply , but sadly , they were all asking for money ranging from 5 dollars to 150 dollars. i can send the money , why not, but i wanted to be sure first that this is something real and not something to scam me . and so I sent them back a reply inquiring about a lot of things, like really a lot of questions. then what do you know , suddenly they told me that the position was already filled and that they no longer need any more applicants. i was mad for the effort i exerted to even mail them a formal letter and be brushed off just like that. i was really mad, mind you. so now i know better, i don’t try to even read those ads anymore.. to hell with them !!! hahaha… but in fairness, i am sure there are some real and genuine work-at-home jobs . i know because my sister was able to get a proofreading assignment but it was a parttime job though. i was just unlucky to get the scammers i guess.

so if ever you are looking for one, best of luck to you then. here are some sites i found to avoid being scammed :

hbwm.com

newyork.bbb.org

God bless !!!

Living in America

A dear friend asked me why I don’t like it here in the US. Well, actually it’s not really that I don’t like staying here, let’s just say that maybe I am not yet used with the way things are here that is why I am sort of making comparisons of my beloved Philippines to the land of Uncle Sam. She asked me to give her a list of my reasons why so here it is my friends, I hope it will give you guys an idea how it is to live here:

  1. If you have no credit history, meaning wala kang mga credit cards eh malamang wala kang value sa mga creditors. To buy a car, lease a house, buy a house, you have got to have a very good credit standing. Eh sa tulad kong di naniniwala sa credit cards, at gusto ko cash lagi, eh di wala, mapipilitan me makitulad sa lahat ng mga Amerikanong mhilig gumamt ng plastic and holler, “charge it! “.. Syempre if I can avoid it, I really do not want to use credit cards kasi may interest un,divah? Anyway, that is something I have to contend with since no can do, I have to have that plastic thingie to establish my credit history.
  2. Kung di ka marunong at maalam magdrive, wag ka nang magtry gumamit ng Freeway at baka damputin kang wla ng buhay. The speed when you are in the Freeway is like 65 to 75 mph so kung aanga-anga ka, wag ka nang mag ambisyon na itry ang Freeway. You need to have good eyesight and dapat alerto ka kasi mayayabang ang ibang drivers at bigla na lang papasok sa lane mo or sa harap mo na kung di ka alert malamang, mabangga ka, mabangga mo sya at matotal ang kotse mo. Kya me when I try driving, dito na lang muna me sa mga backroads para safe. Pero I will not chicken-out and will face that raging Freeway when I know na tigasin na din me noh? Kung kaya nila, kaya ko din divah?
  3. Ang konti ng tao dito ewan ko ba. Siguro kasi busy sa pagkayod kasi mdaming utang at mortgages to pay hehehe.. joke lang pero partly true ha? Kya when you go out strolling in the park, wa pipol kaya nga takot ako eh, baka may dumampot sa min jan eh wla man lang makakita, or makarinig kasi wala namang mga tao ang mga bahay na ang lalaki pa na kahit may sumigaw sa labas eh di ka dinig. Sa malls naman, konti din tao kaya kalungkot lang magstroll lalo pag mag-isa ka kaya dapat may kaHH ka (kaholding hands) habang binabaybay nyo ang deserted aisles . Sabi nga ni Renee nung bago din sya dito eh, kala nya magsasara na ang mga shops kasi konti tao, yun pala eh talagang ganon dito, not unless syempre nsa heart of New York ka or San Francisco na laging madaming tao.
  4. Malalayo ang mga tindahan, swerte mo na lang if katabi lang ng bahay mo ung mga grocery stores, or Supermarket.
  5. Walang mga taxi, buses na bawat minuto eh anjan sa bus stop. May oras lang ang mga bus dito sa pag nahuli ka, abutin ka ng isang oras or mahigit para maghintay sa sunod na bus. One time sabi ko try ko na lang dial-a-ride kasi para pick-up in na lang me sa bahay kasi malayo bus stop , un pala pang disabled lang or pang senior citizen, bakit sila lang ba ang may pera at may kailangan na pasundo? pano naman ang mga di marunong magdrive, may bata at di pwdeng maglakad ng malayo papuntang bus stop? Hmp, injustice yan ha, I mean unfair yan, totally !!
  6. Hindi ganon kabilib bilib ang BART nila dito, ung BAY AREA RAPID TRANSIT,meaning the train, my dear, the train. Kita nyo ung recent na mga happenings sa BART, kung ilang ulit na tumigil kaya stranded mga pasahero. Kasi daw nagkaproblema sa computer, kasi luma na ung software. What? ang number one na leader sa buong mundo, may lumang software? My gulay, anong ginagawa ni Bill Gates bakit di nila itanong dun kung pwdeng igawa sila nga pinakahitech na softwares divah? Talo pa sila ng LRT at MRT noh? at kung security ang paguusapan eh mas secure pa ang feeling ko sa Pinas kasi may checking ang lahat ng mga bags ng pasahero, that was after the bombing ng LRT i know. Eh dito wla, as in wlang checking, kahit nga random checking wla, eh ang dami pa namang terrorista na naghihintay lang ng chance na mapasama sa history ng bansang ito di ba ? Pero sympre di naman me pinipilit nino man na sumakay ng BART so di ko sinasabing wag sumakay, napansin ko lang naman at nacompare kaya wag ka nang magreact..
  7. Ang mga bata dito di pwde salingin. Makita lang na may pasa or kung ano, pagdududahan kagad na pinapalo, piniphysical abuse although madami naman talaga ang mga batang abused dito. Ayaw daw nilang pinapalo ang mga bata kaya tingnan nyo mga kinalabasan, mga addict, brats, mga kung ano ano ang problema sa utak.. ewan ko ba pero tong anak ko pag lumaking wala sa ayos uwi na lang kami sa Pinas at dun madidisplina ko sya tulad ng disiplinang ginawa sa kin ng aking mahal na ina..

Copyscape